Thought Shake

Welcome to Thought Shake. This is a personal site where I put all of my articles, stories and other creative works. You can read them and comment on it and such.🙂



FEATURED STORY

Bwisit na Bear KOw

Never. Swear. Never na talaga. Akala mo ganun-ganon lang yon??? Monthsary pa naman natin!!! “Sorry I’m late…” Tapos ano?! Okey na agad? Asa ka pa! Last na to! Hindi na ako papayag na balewalain mo ako ulit no!

Naalala mo ba nung monthsary natin? May padate-date ka pang nalalaman, palpak naman. Biruin mo, dinaladala mo ko sa mamahaling restaurant, tuwang-tuwa pa naman ako dahil sabi mo pinagipunan mo yun ng isang buwan. Tapos, nung dumating yung bill, akalain mo ah, naiwanan mo yung wallet mo sa bahay! Ayun! Together tayong naghugas ng plato dun! Alam mo namang sensitive kamay ko no! Pagkakataon yun for together time, bonding pa nga sabi mo. Sus! Palusot ka lang! Nag-enjoy naman din ako sa bubbles-bubbles saka sa amoy nung tubig na sabon ba yun? Pero still… embarrasing moment of my life yun, kala mo! Sabi ko last na yun. Seryoso talaga ako. Pero may pa-sorry-sorry ka pa in the rain. Di nag-forgive ako. Pero tapos nito, wala na. Last chance mo na to!

Hindi lang yun. Naaalala mo nung nagkasakit ako? Pa-sweet ka pa. Imported chocolates pa dala mo! Matching roses ah, in fairness ang bango! Tapos, kinagabihan sobrang kati ng katawan ko. Grabe. Turns out, allergic pala ako dun sa kind ng nuts na nandun sa chocolates! Malay ko ba? Nun lang naman ako nakakain nun eh. “Concerned lang naman ako, bear ko. Eh, inatake mo naman kasi bigla yung chocolates eh,” sabi mo. Concerned? Ewan! Bibigay-bigay ka tapos ako sisisihin kung bakit kinain ko agad? Tatapusin ko na nga sana love story natin nun eh! Pasalamat ka bumalik yung skin ko sa dati pagkatapos nung rashes. Swerte ka lang! Next time katay ka na saken!

After yung last incident na yun, i thought wala nang kabwisitan ang dadalhin mo. Pero, gosh! Am i wrong! You know what you did next? Nung next monthsary natin, ginawa mo yung what you call na “public declaration of love”. Public-public? Pumunta ka sa harap na bahay namin, may banner kang dala, nakasulat: I LOVE YOU, BEAR KO! HAPPY MONTHSARY!!! Alam mo nangyari? Ayun! Lagot ako sa lola ko! Alam mo namang bumibisita sa bahay ang lola ko kapag malapit na pasko! Di ba sinabi ko sa yo na parents ko lang ang payag sa atin? Yung mga lolo-lola sa both sides, conservative yun! Ayun tuloy! Grounded ako! I-break daw pati kita. Hindi na nila kailangan sabihin! Punung-puno na ako! Dahil sa kakornihan mo, hindi tuloy ako makakapanood ng tv! Kung kelan pa na malapit na ending nung paborito kong soap opera! Ibi-break na talaga kita nun eh. Kaya lang, kung ano na naman pumasok sa utak mo! Yung grandparents ko, aba!, di ko akalain, nadala sila dun sa mga bigay mong luto. Masarap daw eh. Kung kukuha daw ko ng ideal partner, ikaw na lang daw. Would you believe? Sa dami ng suitors ko, ikaw pa inilakad saken! Ewan ko ba kung bakit hindi ka layuan ng swerte. So ayun, tayo pa rin after that. Hay naku.

Pagkatapos ng lahat ng yun, eto na naman tayo, balik sa dating sitwasyon. Break-up dialogues na. At this time, wala nang makakapigil! Punung-puno na ako sa yo! Magsisimula na sana ako sa speech ko nung biglang… Gosh! Lahat ng seniors sa batch natin, biglang lumabas! Ewan ko kung san sila nagtago pero lahat sila, may t-shirt na puti. Nakasulat dun in red, I LOVE YOU, BEAR KO!!! Hay naku, talaga! Ayan ka na naman sa mga weird na paraan mo! Alam mo siguro na ibi-break kita no?! Kaya kinontrata mo lahat na suportahan ka! Pati barkada ko, back-up mo! Pano naman kita ibi-break sa harap nilang lahat??? Pati pala sila Sir Manalastas galing sa physics, andun! Hay… Grabe talaga! Eto na naman tayo. Posponed na naman ang ending ng telenovela natin. Na-extend na naman ang patience ko for you. Sige. This time ulit, bibigyan kita ng chance. Pero next time, wala na. Burado ka na!

Nga pala, nakalimutan ko. Since hindi natuloy ang break-up speech ko kaninang lunch… HAPPY MONTHSARY DIN, BEAR KOH!!! ^_^


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s